Mga paglilipat ng profile

Sa paglilipat ng profile, pinapayagan ang mga member ng Netflix at mga taong gumagamit ng account ng member na ilipat ang isang profile sa isang bagong account o existing account—kasama ang mga rekomendasyon, history ng panonood, List Ko, mga game save, settings, at iba pa.

Kasama sa account mo ang feature na paglilipat ng profile. Kung ayaw mong payagan ang feature na ito sa account mo, puwede mong i-off ang mga paglilipat ng profile sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions sa ibaba.

Maililipat ang profile kung:

  • nasa active account ito

  • hindi isang Pambatang profile

  • hindi protektado ng PIN (kung may PIN ito, alisin at ilipat pagkatapos)

  • walang profile email address na nakaugnay dito (kung may email ito, alisin at ilipat pagkatapos)

Profile settings with wrench iconPaano...

Kung ayaw mong payagan ang mga paglilipat ng profile, i-off ito sa pamamagitan ng pagsunod sa steps sa ibaba.

Tandaan: Kinokontrol ng setting na ito kung puwedeng ilipat ang mga profile mula sa account na ito papunta sa bagong account, o sa isang existing account. Hindi nito maaapektuhan ang paglilipat ng isang profile papunta sa account na ito.

  1. Pumunta sa page na I-off ang mga paglilipat ng profile. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.

  2. I-tap o i-click ang I-off ang Paglilipat ng Profile.

Tandaan:Hindi makakaapekto sa mga nailipat nang profile ang pag-off sa mga paglilipat ng profile. Puwede mong i-on ulit ang mga paglilipat ng profile kahit kailan mula sa Account page mo.

Kasama sa account mo ang feature na paglilipat ng profile. Kung ini-off mo ito dati at gusto mo itong i-on ulit, sundin ang steps na ito:

  1. Pumunta sa page na Gusto mo bang payagan ang mga paglilipat ng profile? . Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.

  2. Pindutin ang Payagan.

    • Padadalhan ka namin ng confirmation email na may subject na Update sa account: Malapit nang maging available ang mga paglilipat ng profile.

  3. Sa email, puwede mong pindutin ang I-enable Agad.

    • Kung hindi mo pipiliin ang I-enable Agad, automatic na magiging available ang paglilipat ng profile dalawang araw pagkatapos mong gawin ang step 5.

Kung gusto mong maglipat ng profile sa bagong account, sundin ang steps sa ibaba. Kung gusto mong gumamit ng partner package, package add-on, o third-party billing para magbayad para sa account mo, tingnan ang section na partner sa ibaba ng article na ito bago maglipat ng profile.

Tandaan:Kapag naglilipat ng profile sa bagong account, makokopya ang profile (tingnan ang “Impormasyong ililipat”), at hindi ito aalisin sa original na account. Kapag tapos na ang paglipat, puwede mong i-delete ang profile sa original na account kung gusto mo.

  1. Gamit ang isang web browser, mag-sign in sa account na may profile na gusto mong ilipat para magsimula ng bagong account.

  2. Pumunta sa Account page.

  3. Pindutin ang Mga Profile, pagkatapos ay pumili ng profile.

  4. Pindutin ang Paglilipat ng Profile.

  5. Pindutin ang Simulan ang Paglilipat ng Profile.

  6. Pindutin ang Bagong Account.

  7. Ilagay ang email address at password na gusto mong gamitin para sa bagong account.

  8. Sundin ang mga prompt sa screen para tapusin ang pag-set up sa account.

Kapag natapos na tayo sa paglilipat ng profile, masa-sign in ka sa bagong account.

Kung gusto mong ilipat ang profile sa existing account, sundin ang steps sa ibaba. Kung gusto mong gumamit ng partner package, package add-on, o third-party billing para magbayad para sa account mo, tingnan ang section na partner sa ibaba ng article na ito bago maglipat ng profile.

Tandaan:Kapag naglilipat ng profile sa bagong account, makokopya ang profile (tingnan ang “Impormasyong ililipat”), at hindi ito aalisin sa original na account. Kapag tapos na ang paglipat, puwede mong i-delete ang profile sa original na account kung gusto mo.

  1. Gamit ang isang web browser, mag-sign in sa account na may profile na gusto mong ilipat.

  2. Pumunta sa Account page.

  3. Pindutin ang Mga Profile, pagkatapos ay pumili ng profile.

  4. Pindutin ang Paglilipat ng Profile.

  5. Pindutin ang Simulan ang Paglilipat ng Profile.

  6. Pindutin ang Existing Account.

  7. Ilagay ang email at password para sa existing account kung saan gusto mong ilipat ang profile na ito.

  8. I-confirm sa pamamagitan ng pagpindot sa Ilipat ang Profile.

Kapag natapos na tayo sa paglilipat ng profile, masa-sign in ka sa account kung saan mo inilipat ang profile.

Checklist with arrow to indicate information transferAng impormasyong ililipat

Kapag naglilipat ng profile sa isang bago o existing account, makokopya ang mga sumusunod sa bagong account:

  • Profile name at icon

  • Mga rekomendasyon

  • History ng panonood (ratings, tagal, impormasyon ng device, bansa, impormasyon sa “ituloy ang panonood”)

  • Mga title sa List Ko (watch list ng mga title)

  • Mga game save at game handle

    Tandaan:Aalisin ang mga game save at game handle sa original na profile.

  • Mga Setting (settings ng wika, mga subtitle/dubbing, autoplay, mga restriction sa panonood dahil sa maturity rating)

  • Mga miscellaneous item (mga pinili/history sa pakikilahok sa test (tingnan ang ettings>Test Participation), quality ng pag-stream, mga notification sa app na ipinadala sa profile mula sa Netflix)


Ang impormasyon sa pagbabayad ay hindi malilipat.

Pagkatapos maglipat ng profile sa isang bago o existing account, pwede mong i-delete ang profile sa original na account sa screen na I-manage ang mga profile (basta't hindi ito ang pangunahing profile).

Magnifying glass shows user search/addHigit pang impormasyon tungkol sa paglilipat ng profile

Kung gusto mong maging pangunahing profile sa bagong account ang inilipat na profile:

  • Package/Package Add-on:

    • Una, sundin ang steps sa "Magsimula ng bagong account gamit ang paglilipat ng profile" sa itaas. Kakailanganin mong magdagdag ng isa pang paraan ng pagbabayad habang nasa proseso ng paglilipat ng profile. Kapag tapos na ang paglilipat, palitan ang iyong paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng pag-link ng account sa partner package o package add-on mo.

  • Third-party Billing:

    • Hindi mo magagamit ang paglilipat ng profile para gumawa ng bagong account na sinisingil sa pamamagitan ng third-party billing at sa halip ay kailangan mong magdagdag ng isa pang paraan ng pagbabayad habang nasa proseso ng paglilipat ng profile.

Kung ayaw mong maging pangunahing profile sa bagong account ang inilipat na profile:

  • Gumawa ng bagong account gamit ang pinili mong paraan ng pagbabayad at pagkatapos ay sundin ang steps sa "Ilipat ang profile sa existing account" sa itaas.

Hindi magagamit ang feature na ito sa pag-duplicate ng profile sa iisang account.

Kung sinimulan mong maglipat ng profile para gumawa ng bagong account (naglagay ng email address at gumawa ng password), puwede kang magpatuloy kahit kailan sa pamamagitan ng pag-log in sa netflix.com sa web browser gamit ang email address at password na ginamit mo para simulan ang proseso, at pindutin ang Tapusin ang Paglipat at pagkatapos ay sundin ang mga prompt na nasa screen.

Mga Kaugnay na Article