Paano tingnan ang history ng pagbabayad at mga invoice sa Netflix

Kung direkta kang nagbabayad sa Netflix, puwede mong tingnan ang Netflix billing history mo at mag-print ng invoice mula sa iyong page ng History ng Pagbabayad.

Kung nagbabayad ka sa Netflix sa pamamagitan ng third party (gaya ng phone, TV, o internet provider mo) o mayroon kang package na may Netflix, kailangan mong mag-sign in sa account mo sa provider na iyon para tingnan ang iyong history ng pagbabayad.

Tingnan ang iyong history ng pagbabayad

Puwede mong tingnan ang iyong history ng pagbabayad sa Netflix sa pamamagitan ng pag-sign in sa account page mo. Ipinapakita lang namin ang 1 taon ng history ng pagbabayad. Kung kailangan mo ng impormasyon ng billing na lampas pa sa 1 taon, makipag-ugnayan sa financial institution mo.

  1. Pumunta sa iyong History ng Pagbabayad (baka kailangan mong mag-sign in).

  2. Makikita mo ang list ng mga nakaraang singil.

  3. Piliin ang Tingnan katabi ng pagbabayad para makita ang mga detalye, kasali na ang anumang angkop na tax.

Mag-download o mag-print ng invoice o resibo

  1. Pumunta sa iyong History ng Pagbabayad (baka kailangan mong mag-sign in).

  2. Makikita mo ang list ng mga nakaraang singil.

  3. Piliin ang Tingnan katabi ng pagbabayad na gusto mong gawan ng invoice para buksan ang printable na invoice page, na kasama ang anumang angkop na tax. Puwede mo ring i-print ang page na History ng Pagbabayad para i-print ang lahat ng singil sa loob ng nakalipas na taon.


Mga Kaugnay na Article