Paano panatilihing secure ang account mo
Narito ang mga pangunahing rekomendasyon namin para mapanatiling ligtas ang account at personal information mo.
Gumamit ng hindi madaling hulaang password para sa Netflix na hindi mo ginagamit sa ibang account
Inirerekomenda naming gumamit ka ng hindi madaling hulaan at natatanging password para sa Netflix para mapanatiling secure ang account mo.
Ang password mo ay dapat na:
Iba sa ginagamit mo sa kahit anong iba pang website o app
Hindi bababa sa 8 characters ang haba
Kumbinasyon ng malalaki at maliliit na titik, numero, at simbolo
Hindi madaling mahulaan - gaya ng “password,” “12345678,” o gumagamit ng kahit anong personal information (pangalan, birthday, address)
Gamit ang password manager, puwedeng dumali ang pagsubaybay sa mga unique na password.
Iwasang gamitin sa Netflix ang parehong sign-in information na ginagamit mo sa ibang website, app, o service. Kapag na-leak o na-compromise ang sign-in information na iyon sa labas ng Netflix, puwede itong gamitin ng attacker para ma-access at mabago ang Netflix account mo, pati na rin ang iba mo pang account na gumagamit ng parehong sign-in information.
Kung nahihirapan kang tandaan ang mga password, puwedeng gumawa ang isang password manager ng mahahaba at natatanging password at subaybayan ang mga ito para sa iyo. May kasama nang password manager na libre sa karamihan ng mga browser at phone.
Puwede mong palitan mag-isa ang password mo sa pamamagitan ng pagpapadala sa sarili mo ng password reset email o text message, o palitan ito sa page na Palitan ang Password.
Panatilihing ligtas ang personal information mo
Hindi kailanman hihilingin ng Netflix na ibahagi mo ang sensitibong personal o financial information mo sa pamamagitan ng text message o email. Kasama rito ang:
Mga credit o debit card number
Mga detalye ng bank account
Mga password sa Netflix
Hindi rin kami kailanman hihingi ng bayad sa pamamagitan ng third-party vendor o website.
Iba pang bagay na dapat mong gawin
Kung mayroon kang tanong tungkol sa privacy ng impormasyon mo, tingnan ang aming Pahayag sa Privacy.