Maturity ratings para sa mga game sa Netflix
Mapipili mo nang mabuti ang gameplay na gusto mo para sa iyo at sa pamilya mo gamit ang mga maturity rating para sa games sa Netflix.
Sine-set ang mga maturity rating ayon sa International Age Ratings Coalition (IARC) at Apple App Store. Nakikipagtulungan din ang IARC sa mga organisasyon ng mga lokal na pamantayan para sa mga rating na partikular sa bansa.
Ipapakita ang mga maturity rating batay sa device at operating system, tulad ng Android o iOS.
Puwedeng mag-iba-iba ang mga rating ng game ayon sa rehiyon at operating system.
Sa bansa mo, ginagamit ng Netflix ang mga sumusunod na rating ng game:
Mga Android phone at tablet
| 3+ | Rated 3+ |
| 7+ | Baka hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 7 taong gulang |
| 12+ | Baka hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 12 taong gulang |
| 16+ | Baka hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 16 taong gulang |
| 18+ | Inirerekomenda para lang sa mga audience na nasa hustong gulang |
iPhone, iPad, at iPod touch
Nagbibigay ang Apple ng impormasyon sa mga age rating para sa lahat ng app na naka-publish sa mga iOS device. Ang mga age rating ng Apple ay ang sumusunod:
4+ | Walang hindi kanais-nais na content |
9+ | Baka may content na hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 9 na taong gulang |
13+ | Baka may content na hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 13 taong gulang |
16+ | Baka may content na hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 16 na taong gulang |
18+ | Baka may content na hindi naaangkop para sa mga batang wala pang 18 taong gulang |
Makikita mo ang maturity rating ng isang game:
Sa page ng mga detalye ng game sa Netflix app.
Sa page ng app store ng game sa Google Play Store o Apple App Store.
Bukod pa sa rating, posible ka ring makakita ng list ng mga content advisory na may kinalaman sa nakatalagang age rating (halimbawa: takot, karahasan, wika).
Nakakaapekto ang pag-set up ng maturity ratings sa profile sa kung aling games ang available. Para mag-set ng maturity rating level:
Android phone o tablet, iPhone, o iPad
Buksan ang Netflix app.
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko
.Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu
.I-tap ang I-manage ang mga Profile
.Pindutin ang profile na gusto mong i-edit.
I-tap ang Mga Restriction sa Panonood
.I-tap ang Maturity Rating
.Ilagay ang password ng Netflix account mo.
I-set ang maturity rating level na gusto mo.
Web browser
Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.
Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.
Piliin ang I-adjust ang Mga Kontrol ng Magulang.
Ilagay ang password ng Netflix account mo kung hiningi ito.
I-set ang maturity rating level na gusto mo.
Piliin ang I-save.
Ganito umaayon ang maturity ratings ng game sa available na settings ng maturity rating ng TV show o pelikula na naka-set sa profile:
Maturity rating ng TV show o pelikula | Android phones at tablets | iPhone, iPad, at iPod touch |
LAHAT |
| 4+ |
7+ |
| |
10+ | 9+ | |
13+ |
| 12+ |
16+ |
| 17+ |
18+ |
|
Ang mga profile na may naka-set up na settings ng maturity rating ay magpapakita lang ng mga game na angkop o pasok sa piniling level ng maturity rating. Halimbawa, para pigilan ang mga game na may maturity level na 16+ o mas mataas na lumabas para sa isang profile, i-set ang maturity rating ng profile sa 13+.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang Mga Kontrol ng Magulang sa Netflix.